Buy Ingredients  

Mega Sarap, Mega Kwentuhan sa Hapag-kainan!

By Admin

Malapit na ang bakasyon at magiging busy na naman ang buong pamilya mula sa basketball liga ni kuya, sa volunteer work ni ate, hanggang sa choir practice ni bunso. Mas lalong magiging busy ang mga nanay at tatay sa pag-babalanse ng kanilang oras sa mga anak at pag-aasikaso ng  mga pagkaing ihahanda at ipapabaon.

 

Ang Mega Sardines ay lubos na sumusuporta sa pagtaguyod  ng masigla at masayang pamilyang Pinoy ngayong summer! Isinasaalang-alang ng Mega Sardines ang halaga ng bawat  hinahain ng mga Ka-Mega na nanay at tatay, kaya naman ipinagpapatuloy nito ang pagbibigay sa inyo ng pinakamasarap at pinaka-fresh na sardinas sa merkado. Dahil ito ay mahigpit na sumusunod sa  12-hour catching-to-canning process at ginawaran ng mga international certifications na patunay ng strict safety standards, makakasigurado ang mga nanay at tatay ng tahanan na napapanatili ang pagkasariwa at mataas na kalidad ng isda sa bawat lata ng Mega Sardines.

 

 

MEGA Sardines Product Shot
Mega Sardines Tomato Sauce and Tomato Sauce with Chili

Ang bawat ulam na hinahain sa agahan, tanghalian, merienda, o hapunan kasama ang Mega Sardines ay hindi lamang puno ng Omega-3 oils, protein at calcium kung hindi puno rin ng pagmamahal at kalinga ng mga magulang para sa buong pamilya.

 

Dahil mas maraming oras na upang magkasama-sama ang buong pamilya, maraming oras na rin para sa kwentuhan sa hapag-kainan. Kasama ninyo ang Mega Sardines sa bawat masarap na kwentuhan na puno nang pagmamahalan at tawanan, paano man ninyo ito ihain, mapa-gisado, “sardinas y misua” o straight-from-the can kasama ang mainit na kanin.

 

 Katulad na lamang ng kwento ni  Nanay Susan mula sa Antipolo, tatlong taon na ang nakalilipas nang huli niyang makita ang panganay na anak na isang nurse sa Canada. Noong nakaraang taon, nasorpresa si Nanay Susan sa pag-uwi ng kanyang anak na nurse. Ayon sa kanya, dahil siguradong na-miss ng kanyang anak ang mga pagkaing Pinoy, ang paborito nitong Mega Sardines na ginawang Caldereta ang inihain nya. Ani ni Mommy Susan, “hanggang ngayon ay di ko malilimutan ang sarap ng kuwentuhan naming mag-anak, dahil sa loob ng tatlong taon, ngayon lang ulit kami nakumpleto sa hapunan.”

 

Kaya naman ngayong Marso, iniimbitahan ang lahat ng mga Ka-Mega na ibahagi ang inyong mga natatangi at orihinal na recipe kasama ang masarap at masayang kuwento sa likod nito sa Mega Kwento ng Sarap Facebook promo ng Mega Sardines. Ang mga mananalo ay magkakaroon ng pagkakataong mailathala ang kanilang orihinal na recipe sa mga labels ng Mega Sardines kasama ang iba pang mga papremyo. Para sa complete mechanics ng promo, bisitahin lamang ang Mega Sardines Facebook page.

 

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Sali na, mga Ka-Mega! Dahil ang Mega Sardines ay naniniwala na ang bawat hain sa pamilya ay may kalakip na magandang kuwento na masarap balikan at pagsaluhan.

 

 

About Mega Sardines

Mega Sardines is the trendy homemakers dependable and versatile partner that continuously strives to offer  the freshest and most delicious sardines. Mega Sardines  ensures 12-hour catching to canning freshness, hygienically processed in state-of-the-art canning plant. It is available in Tomato Sauce and Tomato Sauce with Chili in Easy-Open-Can and Pouch formats.

 

For more information: FB   instagramIcon_400x400